Magandang balita para sa animal raisers sa malalayong barangay o baryo sa bansa ang pagsusulong ng isang grupo ng mambabatas na magkaroon ng mandatory appointment sa isang municipal veterinarian officer o beterinaryo para sa pangangailangan ng mga alagang hayop ng mga tagabaryo.
Sa pangunguna ni Anakpawis Rep. Fernando Hicap, naghain sila ng House Bill 5297 na humihiling na pagkalooban ng veterenary services ang maraming lugar sa kanayunan na halos walang beterinaryo.
“This can be largely attributable to the fact that the law, particularly Republic Act (RA) No. 7160 of The Local Government Code of 1991, specifies that only provincial and city governments are mandatorily required to appoint a veterinarian,” ani Hicap. (Bert de Guzman)