Marian at Jeff copy

FOUR months old na si Baby Letizia Gracia Dantes, ang unica hija nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, pero lagi pa ring may pabirong nagtatanong kay Marian kung totoo bang nanganak na siya.  

Seksing-seksing Marian kasi ang dumating sa presscon ng ini-endorse niyang Maxi-Peel Expoliant for the past eight years. Ang press launch ay para sa bago nilang campaign titled “Tunay Serye” na may hashtag na #bagonggandabagongpagasa. 

Sa “serye”, susubaybayan ni Marian ang journey ng napili nilang 20-year old college graduate na si Jeff, na gustung-gustong mag-artista pero hindi makapasa sa auditions at VTR shoots dahil sa number one niyang problem: pimples. 

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Nagsimula ang journey ni Jeff noong April 1 sa paggamit niya ng products ng Maxi-Peel at tatagal ito hanggang sa April 30. Nang humarap siya sa press launch, nakita na ang bahagyang pagbabago sa kanyang face dahil nababawasan na ang kanyang maraming pimples.

Tinanong ng press ang isang executive ng Maxi Peel kung bakit hindi sila kumukuha ng ibang product ambassador, at ang sagot nito: “Kung may Marian Rivera ka na, kukuha ka pa ba ng iba?”  

Maganda raw ang relasyon nila sa actress at wala silang anumang naging problema rito sa campaigns na ginagawa nila.

“Labis ang pasasalamat ko sa Maxi-Peel na pinili nila akong patuloy na magbigay ng inspirasyon sa mga kababaihan na may problema sa kanilang skin,” sabi naman ni Marian. “Kaya samahan po natin si Jeff sa kanyang journey dahil araw-araw ay may updates tayo tungkol sa mga changes para magkaroon siya ng new skin.”

Bonus naman kay Jeff na na-meet na niya nang personal ang kanyang hinahangaang artista at na-starstruck siya nang sa wakas ay nasolo raw niya si Marian. Minsan pala siyang sumali sa Marian look-a-like contest pero hindi siya nanalo dahil nga sa kanyang skin.

Happy si Marian sa sunud-sunod na blessings na dumarating sa kanya, in terms of her endorsements. Isa-isa niyang binanggit ang mga nag-renew ng contract sa kanya at ang bagong endorsements na in-offer sa kanya. 

May tinanggap na ba sila ni Dingdong na endorsement para kay Baby Zia? Balita kasing six or seven endorsements na ang offers na dumating sa kanila.

“Sila po ang talagang bonus sa akin ng Panginoon,” sagot ni Marian. “Yes, may trade launch na kami ng bagong endorsement ni Baby Zia sa April 12. Ayaw ko po munang banggitin kung ano iyon, para sorpresa. Pero ginagamit ko na ito matagal na. Pero nakakatuwa ang anak namin, hindi yata napagod sa shoot. After ko siya i-breastfeed, sige ulit kami ng shoot at nakangiti siya lagi. Parang ako, walang reklamo sa trabaho. Ewan, nasabi ko tuloy, ito na ba ang sign?”

Siyempre pa, inusisa kung magkano ang talent fee ng anak.

“Basta ito lang ang masasabi ko, mas malaki ang talent fee niya kaysa sa amin ni Dong. Kaya, ipagbubukas namin siya ng sariling account sa PNB at lahat ng kikitain niya sa mga endorsements niya, papasok iyon lahat sa account niya, wala kaming kukunin kahit singko at pagdating niya ng eighteen years old, ibibigay naming lahat iyon sa kanya.”

Isasama ba niya sa trade launch si Baby Zia o igi-guest niya sa kanyang Yan Ang Morning talk show na malapit nang magsimula?

“Hindi po, sa bahay lang siya. Iyon lang ang ikinalulungkot ko, parang ang hirap iwanan ang anak ko kapag nagsimula na akong magtrabaho, Ayaw ko ngang isipin, napapaiyak ako.” (NORA CALDERON)