Marian copy copy

NEXT week, sa Wednesday (April 13) to be exact, na magsisimula ang taping ni Marian Rivera para sa kanyang bagong morning talk show sa GMA-7, ang ‘Yan Ang Morning! na ididirehe ni Louie Ignacio.

Tuluy-tuloy na talaga ang pagbabalik trabaho niya, na simimulan ilang linggo na ang nakararaan nang mapanood siya sa Sunday Pinasaya.

Noong isang araw ay nag-pictorial na si Marian para sa talk show at ibinahagi na rin niya kung ano ang magiging concept ng show.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Ibabahagi ko rito ang aking life experiences bilang isang misis, homemaker at bilang isang ina,” sabi ni Marian.  

“‘Yung talk show na ito, hindi pilit. Based sa mga experiences ko, doon ito iikot. Syempre, gusto ko yung alam ko ang sinasabi ko kapag nagho-host ako at makaka-relate sa akin ang mga televiewers, lalo na ang mga bagong nanay na tulad ko.”

Mapapanood daily ang Yan Ang Morning! bago ang Princess In The Palace.

Halos makakasabay na rin nito ang taping din ni Marian sa Encantadia 2016 na inaabangan na ng fans nila ni Dingdong Dantes, ang DongYans, dahil kung siya ang gaganap na Ynang Reyna at si Dingdong naman ang gaganap bilang si Raquim.  

Ang kanilang roles ay dating ginampanan nina Dawn Zulueta at Richard Gomez respectively, sa unang Encantadia na naging iconic more than ten years ago. Nang malaman ni Dawn na si Marian ang napili para sa role, nagpahayag ito sa kanyang Twitter account na #askdawn na si Marian ang the best choice to play the role of Ynang Reyna.

Back to the grind nang talaga si Marian na tambak din ang endorsements, renewal at mga bago offers. Pero inaayos niya ang muling pagtambak ng kanyang trabaho sa paraang hindi niya mapapabayaan ang anak na si Baby Letizia.

(NORA CALDERON)