James at Nadine copy

NANG ihayag ni James Reid na may relasyon na nga sila ni Nadine Lustre, agad isinalang sa music channels ang music video na pinamagatang Randomantic. Ito ang pangatlong single mula sa kanyang solo album na Reid Alert.

Ang dalawang naunang hit tracks ay ang Huwag Kang Humirit at ang duet nila ni Nadine na Hanap-hanap.

Kilig na kilig ang fans sa Randomantic music video dahil tampok dito ang footage of unguarded moments nina James at Nadine sa kanilang shows abroad na eklusibong ipinasilip sa KrisTV.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ngayong Mayo, nakatakdang ipalabas ang bagong pelikula nina James at Nadine mula sa Viva Films. Lalong excited ang JaDine fans sa This Time movie dahil matagal na silang hindi napapanood sa big screen. (REMY UMEREZ)