John Lloyd copy copy

HINDI nagpatumpik-tumpik ng sagot si John Lloyd Cruz nang tanungin ng mga katoto sa press visit sa location ng Just The 3 of Us ng Star Cinema sa Angeles City, Pampanga last Wednesday kung totoong nagkita sila ng kanyang ex-girlfriend na si Angelica Panganiban sa Hong Kong last Holy Week vacation.

“If you are asking kung nagkita kami ni Angelica sa Hong Kong, yeah, nagkita kami,” diretsang sagot ng aktor. “Hindi ko naman pag-aari ang Hong Kong.” 

Ibig sabihin ng aktor, sino ka man, celebrity man o hindi, malayang magbakasyon sa Hong Kong.

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

“Napakaliit ng Hong Kong at hindi ko naman siya iniiwasan, ‘di niya naman ako iniiwasan, so I don’t think siguro nabibigyan lang ng parang kahulugan o malisya kasi nga given the history pero nagkita lang kami do’n kung paano ko rin nakita si Kuya Aga, si Ate Charlene (Muhlach), si Ruffa (Gutierrez) din may picture pa nga kami, eh.

“Nagkita-kita kami ni Kuya Aga, Ate Charlene at Ruffa sa isang gallery.”

Sabi pa ni Lloydie, friends na sila ni Angelica at napaka-civil ng kanilang pagkikita sa HK.

“Wala naman po tayong iniiwasan sa buhay ko. Life is too short para meron ka pang gustong iwasan na tao, di ba?

Especially ‘pag may pinagsamahan kayo, di ba? Wouldn’t you want na magkaroon kayo ng time to catch up?” balik-tanong ng aktor.

Tahimik ang magkabilang kampo nina John Lloyd at Angelica sa naging hiwalayan nila. Walang nagbanggit man lamang kung ano ang dahilan ng break-up o pagtatapos ng kanilang relasyon.

“Sana kaya naming sagutin ‘yung gustong malaman ng iba, pero you know, eh, kasi parang it’s almost impossible kasi it’s too personal and minsan kahit na naiintindihan naman namin how public our lives are pero parang ‘yung maprotektahan ‘yung natitirang kaunti sa amin, nahihirapan po kami to go into details. Pero we always try our best na ibigay sa public namin at sa inyo ‘yung kaya namin, ‘yung maibabahagi lang namin.

“And we always try to be as honest as possible kasi after all napakaliit ng mundo natin, di ba? Kahit sabihin mo, pumunta ka ng Hong Kong, kahit Zimbabwe pa, merong makakakita at makakakita sa ’yo and I don’t think I want to live my life that way na nagtatago ako, na meron akong gustong ilihim because I am a very practical guy. What you see is what you get, parang kung meron akong mahal, I’m not gonna go shouting it to the whole world pero hindi rin po ako magtatago.” 

Piloto ang role ni John Lloyd sa Just the 3 of Us with a new leading lady, si Jennylyn Mercado. Aniya, nakaka-relate siya sa role niya.

“Maganda din ang timing ng journey na ‘to kasi I don’t think na magagawa ko ‘tong pelikula kung ibibigay mo sa akin five years ago or seven years ago, so the timing, maganda. And I love the fact na ngayon ko siya ginagawa because somehow, yes, nakaka-relate ako sa pinagdadaanan ng character kasi as you all know I am not getting any younger. 

“I’m 32 turning 33 this year, so isa sa pinagdadaanan ko personally, gano’n pala ‘yun, eh, ‘pag nalalapit ka sa ganong edad, ‘yung mga issues na tina-tackle dito hindi nalalayo sa personal na buhay. I think it’s gonna be a great journey kahit sobrang challenging. It’s very familiar,” pahayag ni Lloydie. (ADOR SALUTA)