Timothy Bradley Jr.

‘Grand Arrival’ ni Pacman, hindi masyadong dinumog.

LAS VEGAS — Wala man ang malaking crowd na nakasanayan sa bawat pagdating ni Manny Pacquiao sa MGM Grand, isang magarbong pagsalubong ang inihanda ng Top Rank para sa tradisyunal na ‘Grand Arrival’ ng eight-division world champion at karibal na si Tim Bradley, Martes ng hapon (Miyerkules sa Manila).

Tinatayang aabot sa 300 tagahanga, karamihan ang tinaguriang “Solid Pacman” group, ang nag-abang sa pagdating ni Pacman dito, apat na araw bago ang nakatakdang duwelo kay Bradley sa Abril 9 (Abril 10 sa Manila).

Human-Interest

Pagsasabit ng pagkain para sa mga walang makain sa ibang bansa, uubra ba sa Pinas?

Hindi maikakaila na maikukumpara ang libu-libong crowd na dumarating sa bawat laban ni Pacman sa Las Vegas, higit ang record-breaking crowd na dumalo kahit my bayad sa press conference nang kanilang laban ni Floyd Mayweather, Jr, sa nakalipas na taon, sa mga nag-abang ngayon.

“Hindi naman mahalaga kung marami o konti ang tao. Ang importante nararamdaman natin na may nagmamahal sa atin at handang sumuporta anuman ang mangyari,” sambit ni Pacquiao.

Naging kontrobersyal ang naging pahayag ni Pacman, isa nang born-again Christian, hinggil sa same sex-marriage na bumulaga sa LGBT (Lesbian, Gay, Bisexual and Transgender) community hindi lamang sa Pilipinas maging sa buong mundo.

Ngunit, itinaggi naman ni Pacquiao na may malaking epekto ang isyu sa kasalukuyang sitwasyon, maging sa pagbaba ng interest ng tao sa kanyang laban.

“Hindi naman, huminge na ako ng dispensa at naipaliwanag ko naman na ang sinabi ko ay batay lamang sa nakasulat sa bibliya. Tingin ko naunawaan nila ako diyan,” sambit ni Pacman.

Iginiit ni Pacman na hindi rin dapat ikumpara ang laban niya kay Bradley ngayon sa ‘hype’ nang sagupaan nila ni Mayweather dahil matagal na umanong inaabangan ng boxing fans ang naturang laban.

‘Five year in the making yata yun (laban kay Mayweather) kaya ganoon karami ang crowd na gustong makakita sa amin.

Ang importante naman ditto, mabigyan namin ang mga tagahanga ng magandang laban,” aniya.

Wala pang pormal na pahayag ang Top Rank hingil sa nabentang tiket sa MGM,gayundin sa pay-per-view.

Sa tinaguriang “Fight of the Century’ kontra kay Mayweather, wala nang maibentang tiket ang MGM isang buwan bago ang laban.

Sinalubong ng hiyawang ‘Manny! Manny! Manny! ang Sarangani Congressman na tumugon naman sa crowd sa pamamagitan ng pagsaludo bilang simbolo ng walang kapantay na pasasalamat.

Tinupad din ni Pacman ang pangarap ng isang Fil-Am boy na kabilang sa crowd nang paunlakan ni Pacquiao na bigyan siya ng boxing gloves na may lagda ng People’s Champ.

Kasamang dumating ni Pacman ang buoang 40-man entourage na binubuo ng Team Pacman, kaibigan, pamilya at lokal media.

Naunang dumating ang grupo ni Bradley kasama ng bagong trainer na si Teddy Atlas.

“Talagang maaasahan mo sila,” pahayag ng isang miyembro ng Team Pacman patungkol sa maliit na grupo ng Pilipino na palagihang sumusuporta sa kampeon. (Eddie Alinea)