BELA AT ARJO copy

MARAMI ang avid viewers ng FPJ’s Ang Probinsyano na nagtaka kung bakit pinatay na ang karakter ni Bela Padilla bilang Carmen na hipag ni Cardo (Coco Martin) at asawa na ni Joaquin (Arjo Atayde).

Ang ama ni Joaquin na si Tomas (Albert Martinez) ang pumatay kay Carmen na maging umpisa pa lang ng relasyon ng dalawa ay kontra na dahil magiging problema raw ito sa illegal nilang negosyo oras na mabuking sila na nangyari nga.

Nanggagalaiti sa galit si Tomas nang magpakasal sina Joaquin at Carmen at itinira sa bahay nila, binalaan na kapag lumampas sa boundary ang ina ni Junior ay pasensiyahan na lang, at nangyari nga dahil marami na siyang nalaman.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Kaya binaril ni Tomas si Carmen, at dito na kami nakatanggap ng maraming mensahe, nagtatanong kung bakit tsinugi na ang aktres sa aksiyon-serye ni Coco.

Nagtanong kami sa ABS-CBN at ito ang sagot ng kinontak namin: “’Yun po kasi ang story talaga, Bela’s character ‘Carmen’ has already been extended. Salamat po.”

Samantala, marami rin ang pumupuri sa mahusay na pagganap ni Arjo noong Lunes habang nagmamakaawa sa kanyang ama na huwag patayin ang asawa niya.

“Ang galing umiyak ni Arjo, grabe, ramdam mo ‘yung pag-iyak niya at effortless,” halos iisang komentong ipinadala sa amin. (Reggee Bonoan)