sarah-and-mateo-1 copy

TAKANG-TAKA ang kampo ni Sarah Geronimo kung saan daw nanggagaling ang mga nasusulat na lumipat na sa isang condo unit ang dalaga dahil hindi naman daw totoo.

Nasulat namin kamakailan ang usap-usapan ng mga katoto na may tsikang nagsosolo nang mamuhay ang singer/TV host pero hindi naman ito kinumpirma ng aming source.

“Nakakataka kung saan nanggagaling ‘yung may condo na siya, feeling nga namin galing lahat ‘yan sa kampo ni Matteo (Guidicelli), kasi ‘di ba, bawa’t lakad nila, lahat ng nangyayari like birthday or nag-date, galing mismo sa camp niya, eh,” sabi ng kausap namin.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Napaisip tuloy kami. Oo nga, Bossing DMB, halos lahat nga ng nagpo-post sa social media na magkasama sina Matteo at Sarah ay pawang mga taong dikit sa aktor.

Sabi tuloy ng isang katoto, talo pa ni Matteo ang may sariling domestic satellite sa bilis magpakalat ng kampo niya sa publiko kung ano ang activities nila ni Sarah.

Pero nabanggit namin sa source namin sa kampo ng popstar princess na galing sa fans ng dalawa ang info at photos.

Natutuwa sila kaya ipino-post kaagad nila sa social media para malaman din ng iba pang supporters.

Lately, ikinatutuwa ng supporters na finally ay nakakasama na ni Matteo si Sarah na walang chaperone.

Pero mukhang hindi ganito ang gusto ng kampo ng dalaga dahil gusto sana nila ay pribado ang kanilang relasyon.

Pero imposible namang maging pribado dahil pareho silang public figure at kung saan-saan nakikitang magkasama, natural maraming paparazzi.

At tungkol naman sa sinasabing magkasama o madalas si Matteo sa condo ng dalaga, “I’m sure naman, hindi naman papayag si Sarah sa alam mo na, hindi ganu’n ang takbo ng utak nu’n. At sa tingin ko rin kay Matteo hindi rin siya ganu’n na magti-take advantage,” sabi ng source namin.

Hmmm, puwede rin naman dahil pareho silang hindi pa handa at gusto pa nilang mag-concentrate sa kanilang respective career.

Biro namin, “if ever naman na may mangyari, hindi naman din mabubuntis si Sarah dahil alam niyang pangalagaan ang sarili niya.”

Hirit naman ng isang editor, “Naku, 28 na siya, alam na niya ang tama at mali o ang consequences, ‘no!”

So, Popsters, ano naman ang say n’yo? (REGGEE BONOAN)