JEN,. DIREK CATHY AT LLOYDIE copy

ANG hashtag daw ng pelikula nina Jennylyn Mercado at John Lloyd Cruz ay #JustThe3ofUSconfidentlybeautiful dahil pawang malalaking pelikula ang makakasabayan nito sa opening sa Abril 27.

Oo nga naman, hindi na makukuwestiyon ang kakayahan nina Jennylyn at John Lloyd in terms of acting at maging sa box office, isama pa si Direk Cathy Garcia Molina na isa sa may pinakamataas na batting average sa pagtabo sa takilya ng ginagawang mga pelikula.

No wonder, tuwang-tuwa ang manager ni Jen na si Tita Becky Aguila lalo’t maganda raw ang feedback sa trailer pa lang.

Mga Pagdiriwang

ManilART 2024: Alamin ang iba’t ibang sining na tampok dito

“Based on the feedback I have been getting, this movie is going to be spectacular,” sabi niya.

Very thankful siya na nakatrabaho ni Jennylyn si Lloydie isama pa si Direk Cathy na noon pa pala nasa bucket list ng aktres.

Kasi nga GMA-7 artist si Jen kaya inisip nila dati na imposibleng makagawa siya ng pelikula sa Star Cinema.

Masaya nga raw ikinuwento ng aktres sa manager na marami siyang natutuhan kina Lloydie at Direk Cathy. “It’s a learning experience working with the two great artists,” say raw ni Jen kay Tita Becky.

Tuluy-tuloy ang winning streak o suwerte ni Jennylyn na nagsimula pa noong gawin niya ang English Only, Please noong 2014 na lumipat pa ng 2015 nang tumabo rin ang Walang Forever. Back to back ang best actress awards na nakamit niya sa dalawang pelikula.

Extended hanggang 2016 ang suwerte niya. Nakapag-ober da bakod na siya sa Star Cinema at naka-love team pa si Lloydie. Pagkatapos nilang gawin ang Just The 3 of Us, ginawa rin niya ang TVC ng Belo Deo, nagsimula na rin siyang mag-recording at sa June ang launching ng album, at may mga panibagong movie offer (under negotiations pa) at may upcoming shows sa GMA-7.

Pagdating naman sa lovelife, hindi na maitatanggi ni Jen si Dennis Trillo, obviousdly, pero nangako naman daw ang aktres na mas priority niya ang career at anak lalo na’t lumalaki na si Alex Jazz. (Reggee Bonoan)