IPINANGANAK na mayaman si Garrie Concepcion, ang singer na anak nina Gabby Concepcion at Grace Ibuna, pero marunong siyang yumukod sa mahihirap dahil maaga pala siyang iminulat ng ina sa realidad ng buhay.

Kuwento na rin ni Grace, bilang representative ng partylist na Melchora (Movement for Change and Reform) ay isinasama talaga niya ang mga anak niya sa slum areas para malaman nila ang tunay na nangyayari sa bansa.

“Alam naman po ng lahat ang buhay ko, na-realize ko po sa journey na dinaanan ko for the few years na wala palang difference kung ano ang social class mo, mahirap ka, mayaman ka, may kaya ka, whoever, iisa ang problema, iisa ang sakit. ‘Pag iniwan tayo ng asawa natin, pare-pareho tayong nasasaktan, ‘pag manganganak ang mga kababaihan, pare-pareho tayong umiire, so I think, ang idea namin is i-walk through ang kababaihan sa pinagdadaanang hirap.

“Alam n’yo po, kung wala akong strong support system, baka bumigay na rin ako, I am just an ordinary woman living an extraordinary life. Isa rin po akong babae na gumigising tuwing umaga, nag-aalaga ng tatlong anak, kumakayod para maglagay ng pagkain sa ibabaw ng lamesa, makapagbayad ng tuition fee nila taun-taon, and God knows kung papaano ko ginagawa ito sa tulong ng Panginoong Diyos.”

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kuwento pa ni Grace, naiiyak siya sa mga nakita niyang klase ng buhay sa mga probinsiyang salat sa yaman.

“Mananalangin kayong bigla at magpapasalamat dahil you feel blessed sa sarap ng buhay na mayroon tayo. Some people have nothing at all, some of the children in the provinces go to school na walang gamit at nakatapak lang.

“You know, I teach my kids by example, ‘pagka sila nagrereklamo, I always tell them, ‘hoy, bago kayo magreklamo tumingin muna kayo sa kapwa n’yo’. Sabi ko rin, you have too much slippers anak, when some people couldn’t even have one and some people may have slippers but have no feet.

“Kaya ito pong pagbuo namin ng Melchora ay gusto po naming suportahan ang mga kababaihan dahil unang-una po sa aking experyensa. Ang ating mga ina ang humuhubog ng ating mga anak. Kung hindi po natin susuportahan ang single parents or unwed mother, battered wives, vulnerable women, ano’ng mangyayari sa ating mga kabataan na iniisip nating sila ang pag-asa ng ating bayan.

“When a mother is happy, they raise happy kids. When a mother is desperate, they might create delinquent or drug addict kids. We all know that for a fact and they all need support.

“Hindi ko po kayo inoobliga o inaasahang magmartsa dahil mahal na ang sunblock ngayon,” pabirong sabi pa ni Grace.

“Magpapatsi-patsi po tayo kapag naarawan tayo. Kaya ang hinihingi ko lang pong suporta ay palawigin natin ang layunin ng Melchora.”

Natutuwa si Grace dahil suportado siya ng mga anak niya at talagang bumaba raw sila para sa mga kababayang salat sa yaman.

Nabanggit din niya na gusto sana niyang magnegosyo si Garrie para may fall back kung hindi ito magtagumpay sa showbiz.

“I’ve been wanting na magnegosyo siya, noon pa. I always tell her, sabi ko, “magkaroon ka ng fallback position, you cannot put all your eggs in one basket,”ani ni Grace.

Interesado ang panganay niya sa Melchora partylist.

“Kasi mayroon kaming ilo-launch na Melchora sisterhood kaya every member namin, mayroon kaming ia-adopt na woman na may problema, kunyari abused or namatayan or whatever,” sabi ng ex ni Gabby.

Pero bagamat tumutulong, hindi nangangahulugang interesado pumasok sa politics si Garrie.

Natanong namin si Grace kung humingi siya ng suporta sa ama ni Garrie na si Gabby.

“Hindi. Bakit? Eh, alam mo naman ako, kinukusa dapat. Ayoko namang pilitin. Baka magpabayad pa sa akin ng mahal,” tumawang sagot ng mama ng dalaga.