ALDEN AT MAINE copy copy

NAGDIDIWANG ang Aldub Nation fans nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil ang matagal na nilang hinihintay na date ng dalawa ay nangyari last Sunday.

Pagkatapos ng Sunday Pinasaya, dumiretso ang dalawa sa Sofitel Hotel para mag-late lunch.

Paglabas pa lang nina Alden at Maine sa GMA-7, nakaabang na ang fans dahil ibinuking ni Ai Ai delas Alas na magdi-date ang AlDub after ng show at nangyari nga. Kaya nakita ng fans na sa Jaguar car ni Alden sumakay si Maine at silang dalawa lang ang magkasama sa sasakyan. Wala silang kasamang PA o kapamilya nila, kaya solo ng AlDub ang lakad na ‘yun.

Human-Interest

Resbak ng inuutangan matapos sabihang mayabang, winner sa netizens

Nakatutuwa lang ang Aldub Nation dahil hindi nila ginulo ang dalawa sa kanilang date. Kinunan lang sila ng picture habang naglalakad sa lobby ng hotel at ‘yung papaba sa spiral staircase na magka-holding hands. Hindi na sila kinunan habang kumakain.

Ang hinihintay ng Aldub Nation ay ang second date ng Aldub at kung kailan dadalhin ni Alden si Maine sa Concha’s Garden, ang restaurant na siya ang franchise owner. Nasa Cliff House sa Tagaytay ang restaurant na part owner si Alden. (Nitz Miralles)