Isang 43-anyos na tauhan sa bodega sa Batangas ang bagong miyembro ng binansagang “instant millionaires” club ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), matapos niyang matsambahan ang halos P60-milyon jackpot sa Grand Lotto 6/55.

Sinabi kahapon ng PCSO na napanalunan ng bettor ang of P59,736,300 jackpot nitong Marso 14.

Isa sa tatlong kombinasyong tinayaan niya sa 6/55, sa halagang P60, ang nakatsamba sa nabola na 14-10-09-12-28-23.

Ayon kay PCSO General Manager Jose Ferdinand M. Rojas II, tinayaan ng bodegero—na 1995 pa nagbabaka-sakali sa pagtaya—ang mga petsa ng kaarawan ng kanyang asawa, dalawang anak at iba pang mga kaanak.

Eleksyon

Alice Guo, hindi na raw tatakbo sa 2025 elections: 'Linisin ko po muna sarili ko'

Kinubra na nitong Biyernes ang kanyang napanalunan, sinabi ni Rojas na plano ng bagong milyonaryo na magtayo ng negosyo, ngunit prioridad muna ang pagbili ng bahay at lupa, isang kotse, at isang motorsiklo. (Edd K. Usman)