luis-manzano copy

LAST week umani ng mga papuri ang anak ni Nora Aunor na si Ian de Leon dahil sa pagsaklolo niya sa 10 year-old boy na nabundol ng motorbike.

Wala man lamang nagkusang tumulong para dalhin ang bata sa ospital. Mabuti na lang at napadaan si Ian sa pinangyarihan ng aksidente at agad niyang itinakbo sa ospital ang biktima.

Thank God, naka-recover na ang bata dahil sa mabuting kalooban ng anak ng superstar.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

This week, ang anak naman ni Gov. Vilma Santos ang naging good Samaritan. Gaya ni Ian, sinaklolohan ni Luis Manzano ang isang nagngangalang Jonas Bernales na masangkot din sa major accident habang nakasakay sa kanyang bike.

Nagkataon na napadaan din sa pinangyarihan ng aksidente si Luis kaya inalalayan at itinakbo niya sa ospital si Mang Jonas.

Ligtas at nagpapagaling na rin ngayon si Mang Jonas na two days ago ay nag-post sa kanyang Instagram account with photo ng kanyang bike at pinasalamatan ang anak ng Star for All Seasons.

Ito ang nakasulat sa caption niya: “Got into a major accident riding my fixee down tempo drive... couldn’t remember a thing. I woke up in the hospital. Thank you to none other than @luckymanzano who came to my rescue and became the good samaritan. May God bless you a hundred-fold. #howcanirepay let’s meet up.”

Sagot ni Luis sa naturang post, “You are welcome, Sir. Of course Doc @martinjosef was the perfect blessing that night :) God bless you with quick recovery! :)

Ang kasunod pang post ng TV host/actor: “Just say a simple prayer for me Sir, then we are even!” (ADOR SALUTA)