Isang 32-anyos na pintor ang kaagad na nasawi matapos na aksidenteng matapakan ang hindi pa tapos na bubong at mahulog mula sa ikapitong palapag ng isang gusali sa Tondo, Maynila, nitong Miyerkules ng hapon.

Ang biktima ay kinilalang si Ramil Achuela, residente ng 82 Area B., Parola Compound, Tondo, Manila.

Sa ulat ni SPO2 Richard Escarlan, ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, nangyari ang insidente dakong 1:00 ng hapon sa isang ginagawang gusali sa panulukan ng Earnshaw at Bulacan Streets sa Gagalangin.

Ayon kay Escarlan, naapakan ng biktima ang isang madulas na bahagi ng bubong kaya nahulog ito mula sa ikapitong palapag at bumagsak sa ikalimang palapag.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa taya ni Escarlan, aabot sa 30 talampakan ang taas ng kinahulugan ng biktima na naging sanhi upang magkaroon ito ng internal hemorrhage.

Naisugod pa ang biktima sa pagamutan ngunit nalagutan din ng hininga makalipas ang ilang oras. (Mary Ann Santiago)