VALERIE AT ANGEL copy

ITATAMPOK sa Maalalaala Mo Kaya ngayong Sabado ang kuwento ng pagkakaibigang pinagtibay ng panahon ng dalawang overseas workers na nagmula sa magkaibang lahi at kultura.

Nakilala ng biyuda at Pinay domestic helper na si Evelyn (Valerie Concepcion) sa Hong Kong ang kapwa overseas worker mula Indonesia na si Beth (Angel Aquino). Dahil sa nararanasan ni Evelyn na pang-aabuso ng kanyang amo at sa lumalabong relasyon ni Beth sa kanyang mister, naging sumbungan at sandalan ng dalawa ang isa’t isa.

Nang matapos ang kontrata ni Evelyn sa Hong Kong, nagdesisyong sumama si Beth sa kaibigan dahil ayaw niyang harapin ang pamilya sa Indonesia bunga na rin ng kanyang nabigong married life.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

 

At nang magdesisyon si Evelyn na muling magtrabaho sa ibang bansa, buong pusong tumayong pangalawang ina si Beth sa tatlong anak ni Evelyn na naiwan sa Pilipinas.

 

Isa lamang ito sa mga pagsubok – kabilang na ang karamdaman – na hinarap ng dalawang magkaibigang mula sa magkaibang lahi at kultura na tumibay pa ang samahan hanggang sa kanilang pagtanda.

 

Makakasama sina Valerie at Angel sa upcoming episode ng MMK sina Kokoy Banzon, Michelle Vito, Veyda Inoval, Kyline Alcantara, Karla Cruz, at Aiko Climaco, mula sa panulat ni Joan Habana at sa direksiyon ni Raz de la Torre. Ang MMK ay prodyus ng Star Creatives business unit na pinamamahalaan ni Malou Santos.