Pinag-aaralan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang report na isinumite ng Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa hacking sa official website ng ahensiya noong weekend.
Sinabi ni Comelec spokesman James Jimenez na ipauubaya na nila ang kaso sa NBI Anti-Cybercrime Division para matukoy ang mga responsible sa hacking.
Para kay Jimenez, hindi lang ang pagparusa sa mga hacker ang inaalala nila ngayon kundi maging ang posibilidad na may malware pang naiwan sa web page nila kahit naisaayos na ito.
Tiwala si Jimenez na ang ang pagkakapasok sa kanilang public web portal ay hindi nangangahulugan na kaya na ring sirain ng mga hacker ang gagamiting server sa halalan sa Mayo 9. (Beth Camia)