juday at claudine copy

PAREHONG may adopted daughter sina Claudine Barretto at Judy Ann Santos noong single pa lamang sila at nasa kasikatan ng kani-kanilang career. Dekada na rin ang nakaraan simula nang ampunin ni Claudine si Sabina at ni Juday si Yohan .

Sa kabila ng tahimik na buhay nina Sabina at Yohan sa piling ng kani-kanilang kinikilalang magulang, hindi pa rin sila ligtas sa malulupit na online bashers. Pilit kasing pinagkukumpara ng bashers sina Sabina at Yohan na inalmahan ni Claudine.

Sa pamamagitan ng social media, nakikiusap si Claudine na sana’y tigilan na ang paghahambing sa dalawa. Kung inaakala raw ng bashers na masisira nila ang friendship ng dalawang nanay-aktres, nagkakamali sila.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa Instagram post ni Claudine, inulit niya na magkaibigan sila ni Juday at mananatili ang kanilang pagkakaibigan kahit pa idinadamay ng mga bashers ang kani-kaniyang anak.

Ani Clau sa kanyang Instagram, post, “To those who keep comparing my daughter and Juday’s daughter Yohan please stop niyo po yung kababawan niyo. FYI PO Judy Ann & I have always been friends! & FYI AKO PO ANG TUMULONG AT NAG AYOS NG PAPERS NI YOHAN!!! Yan po ang bond na shine-share namin na hindi niyo po alam. My respect for Juday as a mother & her respect for me as a mother will forever be appreciated. Eto po ang totoo na di namin kinailangan ipagmalaki na sa makikitid ang utak sana maintindihan po ninyo. God bless you all,” bulalas ng aktres. (ADOR SALUTA)