SEOUL, South Korea (AP) – Pinagtibay ng mataas na korte ng South Korea ang mga batas na nagpapabigat sa parusa sa mga prostitute, bugaw at kanilang mga klieyente.
Itinaboy ng 2004 legislation ang libu-libong sex worker sa mga red-light zone sa South Korea ngunit pasekretong nagpapatuloy angprostitusyon. Paminsan-minsan ay nagmamartsa ang mga sex worker upang hilingin ang pagbura sa batas.
Pinagtibay ng Constitutional Court nitong Huwebes ang probisyon na ginagawang krimen ang boluntaryong pagbenta o pagbili ng sex, na may parusang isang taong pagkakakulong at multa.