WALA kaming masabi sa fans nina Alden Richards at Maine Mendoza. Last Sunday kasi sa “DJ Bae” segment ni Alden sa Sunday Pinasaya, may mga nagpapadala ng questions na sinagot nila ni DJ Peter (Jerald Napoles). Sa nabasang tanong ni DJ Bae na anong age dapat magpakasal ang magnobyo, ang sagot niya, ‘hindi sa age, sa ipon.’
Nagsunud-sunod na ang messages sa Twitter, na puwede na raw palang magpakasal sina Alden at Maine (kahit hindi pa naman umamin na sila na nga?) dahil tiyak na marami na raw naipon si Alden simula nang magkasama sila ni Maine sa Eat Bulaga eight months ago, with all his shows and endorsements.
Heto ang reactions ng fans na tuwang-tuwa nang malamang may sumagot na raw pala ng kasal at honeymoon:
“Ako na lang ang magpapaanak kay Maine,” “ako na lang ang bahala sa immunization at ako na rin ang pediatrician ng baby nila,“ “ako na lang ang bahala sa education ng anak nila,” “ako na ang magdi-design ng magiging bahay ng dalawa.”
Teka, wala bang sasagot sa pagpapatayo ng bahay?
Ano kaya ang reactions dito nina Alden at Maine o ng kanilang handlers?
Samantala, may malaking pasabog ngayong araw na ito ang Bench para sa launch nila ng products na ini-endorse nina Maine at Alden. Sa unang invitation na natanggap ng press, sa Trinoma Mindanao Open Parking gagawin ang launch, pero binago na nila at sa halip ay doon sa Trinoma Activity Center. First time ito na magkasamang maglo-launch ng endorsements ang dalawa sa isang venue. First time din silang mapapanood ng mga fans sa free venue, kaya no wonder na nagbago ng isip ang mga namamahala sa launch.
Naisulat na namin na nightmare kapag pinagsama sa isang show sina Alden at Maine, for the first time. Mahirap kontrolin ang mga tao kung nasa open space. Mahirap din nilang ikontrol ang pagpasok ng mga tao, kahit pa sabihing may ticket na kapalit kung bibili sila ng produkto. First consideration kasi sa mga ganyang shows, ang security ng celebrities.
Kaya good luck sa launch ni Maine ng kanyang scents at ni Alden ng Fix Bench/Salon. Congratulations din kay Mr. Ben Chan. (NORA CALDERON)