ANGELICA AT JOHN LLOYD copy

MAY nakausap kaming grupo ng masugid na supporters ni Angelica Panganiban at todo ang kanilang pangako na panonoorin nila ang pelikulang Whistleblower na ayon sa kanila ay napakaganda ng papel na ginampanan ng idolo nila.

“Dahil lang sa kanya kung kaya panoorin talaga namin ang pelikula. Siyempre, full support kami sa kanya,” sey ng tagapagsalita ng grupo.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Election time kaya napapanahon ang tema ng Whistleblower. Pero ayon pa sa nakausap naming fans, nahihinaan sila sa promo ng pelikula. Hindi raw gaanong maingay ang publisidad nito.

Samantala, ayon pa rin sa fans ng aktres ay hindi pa rin nagkakaayos sina Angelica at John Lloyd Cruz. Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin nagkakaroon ng masinsinang pag-uusap ang dalawa.

Kaya kahit pareho silang nasa Hong Kong nitong nakaraang Semana Santa, hindi sila magkasama, huh! (JIMI ESCALA)