Angel-and-Luis copy

TUMULAK patungong Singapore si Angel Locsin last Easter Sunday para sa follow-up therapy niya sa kanyang spine.

Matatandaang muling dumaan sa laser operation si Angel noong Pebrero na inabot ng apat na oras.

Ilang araw lang nanatili si Angel sa hospital sa Singapore at umuwi rin dahil sinorpresa niya ang kanyang ama na nagdiwang ng kaawaran noong Pebrero 16.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Sinulat namin na babalik din agad si Angel sa Singapore para sa therapy pero hindi pala siya natuloy, ayon sa source namin, kaya nitong nakaraang Linggo lang siya lumipad at hanggang katapusan ng Marso siya mananatili roon.

Nabanggit ng kausap namin na kailangang gumaling na si Angel dahil naghihintay na ang sunud-sunod na projects niya.

Magiging live na kasi ang episodes ng Pilipinas Got Talent Season 5 ngayong Abril para sa semi-finals.

Hindi nabanggit ng source kung kasama ang Darna movie sa sinabi niyang projects ng aktres, pero sa pagkakaalam namin ay wala pa ring ibang napipili para gumanap kaya totoo ang tsika sa amin (ng ibang source namin) na hinihintay lang gumaling si Angel dahil siya pa rin si Darna.

Samantala, marami ang natuwang fans nina Angel at Luis Manzano sa episode ng PGT5 noong Linggo dahil nakitang inalalayan ng TV host/actor ang dalaga na nakaramdam ng pananakit sa batok at agaran ding inasikaso ng therapist niya.

Sweet ang eksenang bumubulong pa si Luis kay Angel para tanungin kung okay lang siya at kung ano ang nararamdaman niya.

Tinanong tuloy kami ng ilang fans kung nagkabalikan na ang dalawa na matatandaang naghiwalay bago pa man sumapit ang Araw ng mga Puso.

Binalikan namin ng tanong ang taong kausap namin kung ano na ang update kina Angel at Luis, “They’re just being civil to each other siguro,” sabi sa amin.

Sa madaling sabi, walang naganap na reconciliation kina Darna at Flash Bomba (superhero na ginampanan ni Luis sa Komiks Presents sa ABS-CBN). (Reggee Bonoan)