Inatasan ng Supreme Court ang mga may-ari ng MV Princess of the Stars, na lumubog sa karagatan ng Romblon noong Hunyo 21, 2008, na magkomento sa petisyon na inihain ng Public Attorney’s Office (PAO) na humihiling sa Court of Appeals (CA) na pagbayarin ang mga ito ng P241-milyon danyos sa daan-daang namatay sa trahedya.

Base sa resolusyon na inilabas ni Division Clerk of Court Atty. Maria Lourdes C. Perfecto, hiniling ng Kataas-taasang Hukuman sa Sulpicio Lines na panindigan ang pangako nito sa loob ng 10 araw matapos matanggap ang notice.

Una nang hiniling ni PAO chief Atty. Persida Acosta sa SC na ibasura ang kautusan ng CA na ipinatitigil ang pagbabayad ng Sulpicio Lines ng P241 milyon danyos sa pamilya ng mahigit 500 nasawi sa paglubog ng MV Princes of the Stars.

Sa kanyang inihaing petition for certiorari, umapela si Acosta sa SC na huwag balewalain ang desisyon ni Manila Regional Trial Court (RTC) Judge Daniel Villanueva nang ipag-utos nito sa mga may-ari ng Sulpicio Lines na bayaran ang danyos sa pamilya ng mga nasawi. (Leonard D. Postrado)

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list