Marian at Zia copy

NAKAKATUWA itong picture na ipinost ni Marian Rivera na pareho silang nakadapa ng anak nila ni Dingdong Dantes na si Baby Letizia at may pinapanood sa computer. Parang naiintindihan ni Baby Zia ang pinapanood niya. 

Noong March 23, she just turned four months old at parang ang bilis ng paglaki ng anak nila. Kaya si Marian, ready na ring magsimula ng bago niyang show sa GMA-7, bukod sa napapanood na siya every Sunday sa Sunday Pinasaya. Next month, magsisimula na siyang mag-taping ng epic serye na Encantadia 2016 bilang si Ynang Reyna.

“Excited na rin akong magsimula ng aking talk show,” sabi ni Marian. “Ang concept ng show, based sa pagiging wife and mother ko. Alam kong excited na rin ang mga fans at televiewers tungkol sa talk show nang mag-post ako sa Instagram account ko ng isang mommy na may itinutulak na baby stroller at may tanong na, ‘First time mom ka ba katulad ko? Marami ka bang mga tanong na nais mong masagot? – Mrs. D.’ Natuwa ako nang bumuhos agad ang napakaraming messages at tanong mula sa mga followers ko. Natuwa raw sila sa ipinost kong message. Umabot na sa 15,783 likes ito.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Nakakatuwa kasi may mga nagtanong na agad at humingi ng advice. Like, ‘little one is 11 months old and I’m on breastfeeding till now,’ na sinagot ko agad ng ‘you can take malunggay capsule twice a day and natalac once a day para dumami supply ng gatas mo, drink a lot of water too, eat veggies din, nagpapalakas din ng supply un! Tsaka padede mo lang lagi kay baby magiging stable ang supply ng gatas mo.”

“Nakakatuwa kung malaki ang maitutulong ko sa kanila kapag nagsimula na ang aking talk show. Sa ngayon, pinaghahandaan na namin ang bawat episode ng show na gagawin namin. Target time slot namin, 11:00 AM bago ang Princess in the Palace.”

Samantala, saan kaya ang Holy Week vacation nila nina Dingdong at Baby Zia? Noong hindi pa nagpapakasal sina Dingdong at Marian, lagi silang may pinupuntahang lugar. Nag-post naman si Dingdong sa Instagram ng isang private plane with the post na “her first plane ride. #DMZ” (meaning Dingdong, Marian, Zia). (NORA CALDERON)