SAKALING magladlad ang isa sa mga anak na lalaki ni Gwen Stefani, hindi magbabago ang pagmamahal niya rito bilang ina.

“I would be blessed with a gay son,” sinabi ni Stefani, 46, sa panayam sa kanya ng PrideSource.

“I just want my boys to be happy and healthy, and I just ask God to guide me every day to be a good mother because it is not an easy job.”

Bilang ina sa tatlong anak nila ni Gavin Rossdale, 50, na sina Kingston, 9; Zuma, 7; at Apollo, 2, sinabi ni Gwen na madalas nilang mapag-usapan ito ng kanyang mga kaibigan.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

“I always ask my gay friends, ‘OK, so what was it like when you were a little boy?‘” paliwanag ni Stefani.

Pinagbibigyan ng glamoroso at energetic na ina ang kanyang mga anak mula sa pagpapalinis ng kuko hanggang sa pamamasyal sa farm ng kanyang nobyong si Blake Shelton sa Oklahoma, patunay na game na game siya sa kahit na anong aktibidad na ikasisiya ng kanyang mga anak.

Aniya, “As long as my boys are protected and happy and I’m spending quality time with them, whether it’s doing sports or doing nails, it really doesn’t matter.” (People.com)