Maituturing na babala para sa kanilang mga katunggali ang magkasunod na panalo ng Far Eastern University sa second round ng UAAP men’s football championship bago ang Semana Santa.

“Hindi nila kami dapat balewalain,” sambit ni FEU skipper Eric Giganto.

Ipinalasap ng Tamaraws ang unang kabiguan ng La Salle at University of Santo Tomas na naghatid sa kanila sa second spot mula sa pagtatapos na pang- apat sa first round.

Mayroon na ngayong kabuuang 17 puntos ang Tamaraws kapantay ng Green Booters kasunod ng kanilang huling panalo laban sa namumunong Tigers, 4-0.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Dapat nilang abangan ang FEU,” ayon kay Giganto.

Aniya, ginagawa lamang nila lahat ng kanilang makakaya para makasabay sa mga karibal.

“Ipinapakita lang namin yung tunay na team ng FEU,hopefully tuluy- tuloy na yung pagbalik ng dati naming laro,” ayon kay Giganto. (Marivic Awitan)