Nadine at James copy

PRODUCED ng Viva Films at mula sa direksiyon ni Nuel Naval ang pinakabagong pelikula nina James Reid at Nadine Samonte. May posts na sa Facebook kaming nababasa tungkol sa This Time movie na anila’y mapapanood ang trailer sa March 28 at release na rin ng poster.

Nagbubunyi ang JaDine fans dahil finally ay mapapanood na raw nila sa big screen ang dalawa.

‘Kaso ang dinig namin ay hindi pa tapos ang pelikula na naiwang nakabitin ang produksiyon dahil umalis ang JaDine love team at kasalukuyang nasa world tour. Pagdating na lang nila sila magre-resume.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Nabalitaan din namin na nabili na pala ang pelikulang ito ng Cornetto, ang TVC nina James at Nadine na madalas mapanood na umeere ngayon.

Bongga ang This Time movie ng JaDine dahil hindi pa man naipapalabas ay kumita na ang Viva Films, di ba, Bossing DMB?

Hmmm, hindi kaya puro Cornetto ang makikita sa pelikula?

Anyway, tila hawig sa foreign movie na One Day ni Anne Hathaway ang kuwento ng This Time nina James at Nadine dahil tuwing summer lang sila nagkikita, kaya pala may nakalagay na ‘Forever begins this summer’ sa poster ng pelikula.

Ang pagkakaiba lang siguro ng One Day movie ni Anne at ang leading man niyang si Jim Sturgess ay wala silang forever, dahil may forever ang JaDine sa This Time.

Interesting ang pelikula, kailan kaya ito ipalalabas? (REGGEE BONOAN)