Tatlong kalahok ang umiskor ng tiglimang panalo at isang talo nitong Marso 21 sa ikapitong yugto ng 2016 UFCC Cock Circuit upang pagsaluhan ang kampeonato.

Ang mga namayani ay sina Fiscal Villanue/Eboy Villanueva (Fiscalizer), Gerry Ramos (AAO Hitcock) at Dorie Du (Davao Matina) na may pag-asa sana na masolo ang titulo kung hindi nabigo sa huling laban.

Handog ng Ultimate Fighting Cock Championships, ang 2016 UFCC Cock Circuit ay itinataguyod ng Thunderbird Bexan XP & Thunderbird Platinum, Sagupaan, Solaire Resorts & Casino at Resorts World - Manila.

Ang naghaharing World Slasher Cup champion na si Engr. Sonny Lagon (Blue Blade Gamefarm) ay patuloy na umaalagwa sa kanyang iskor na 29 puntos kasunod si Joey delos Santos (San Roque) na may 27 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nasa ikatlong pwesto naman si Arman Santos (Jade Red) na may 24.5, kasunod si 2015 World Slasher Cup winner Gerry Ramos (AAO Striker) tangan ang 24 puntos, at Gov. Eddiebong Plaza (EP RJM Roosterville) na may 23 puntos.

Ngayon araw ang pagsusumite ng timbang para sa 8th leg ng pamosong torneo. Magsisimula ang timbang ganap na 2 :00 ng hapon hanggang 10:00 ng gabi na susundan agad ng computer matching.