CAMP JULIAN OLIVAS, Pampanga – Patay ang isang pinaghihinalaang miyembro ng sindikatong nagnanakaw ng motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis sa Paradise Farms sa Barangay Tukong Mangga, San Jose del Monte City, Bulacan, kamakalawa.

Ayon kay Senior Supt. Timoteo G. Pacleb, Bulacan Police Provincial Office (BPPO) officer-in-charge, tinangay ng dalawang armadong suspek ang Skygo 125 motorcycle ni Roy Marquez de la Cruz, 33, ng Purok 4, Bgy. Paradise 3, dakong 10:00 ng gabi nitong Miyerkules, kaya naglabas ng alarma hinggil sa pagnanakaw sa naturang motorsiklo.

Nang matanggap ng isang police mobile team ang impormasyon, agad itong kumilos at natiyempuhan ang suspek habang sakay sa motorsiklo ni De la Cruz sa Quirino Highway.

Ayon sa pulisya, tinangka pa umano ng suspek na takasan ang mga pulis na natuloy sa habulan ng dalawang grupo.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nang makokorner na, bumunot umano ng baril ang isa sa mga suspek kaya bumawi ang pulisya na nagresulta sa pagkamatay ng hindi kilalang suspek, habang nakatakas naman ang isa pang suspek.

Nabawi ng pulisya mula sa napatay na suspek ang isang .38 caliber revolver na may apat na bala, at ang motorsiklo ni De la Cruz. (Franco G. Regala)