Bukod sa pagtitika at pagbabalik-tanaw sa mga kamaliang nagawa, ginamit ng Star Hotshots ang Mahal na Araw bilang pagbabalik-loob sa Maykapal at pasasalamat sa kalakasang ibinigay, higit para sa kanilang pagbabalik aksiyon sa PBA Commissioners Cup.

At ang sakripisyong ito,kakibat ang paghahanda sa kanilang nakatakdang laban kontra sister squad San Miguel Beer at Alaska pagkatapos ng break para sa Semana Santa.

Sa halip na magbakasyon kasama ng kani- kanilang mga pamilya at mahal sa buhay, nagsagawa ang Hotshots ng ‘spiritual reflection’ para maibalika ng tiwala sa isa’t isa.

Mula sa kanilang panimulang 1-4, panalo- talo sa ginaganap na 2016 PBA Commissioner’s Cup, nagsalansan ng tatlong sunod na panalo ang Hotshots upang makaangat at pumagitna sa team standings na may patas na barahang 4-4, kasalo ng Rain or Shine, Mahindra at defending champion Talk N Text.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ayon kay Star coach Jason Webb, ito’ y dahil sa natutunan na din ng kanyang mga manlalaro ang tanggapin at gawin sa laro ang kanyang sistema.

Ngayon, sama-sama at iisang koponan na aniya silang naglalaro partikular sa depensa na susi ng kanilang pagbangon.

At umaasa si Webb na masusustinihan ng koponan ang magandang tinatakbo ng kanilang depensa habang patuloy naman sa pag step- up ang kanilang import na si Ricardo Rattlife at iba pang players ng Hotshots.

“Sa ngayon si Allein (Maliksi) ang napapansin,sya kasi yung mainit and I hope he keeps on playing that way,” ayon kay Webb.

Aniya, ang resulta ng kanilang laro laban sa Beermen at Aces ang magiging sukatan at pinakamalaking pagsubok na kailangan nilang lagpasan.

“It’s gonna be very tough and this will show hanggang saan na yung inabot naming,” aniya. (MARIVIC AWITAN)