Handa na ang Quezon Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) sa inaasahang pagdagsa ng milyong deboto sa “Kamay ni Hesus”, isang tanyag na religious site sa Barangay Tinamnan, Lucban, Quezon, na dinarayo tuwing Biyernes Santo.

Ayon kay Dr. Henry Buzar, hepe ng Quezon PDRRMC, nakabantay ang kanilang mga tauhan para tiyakin na ligtas ang mga debotong nagsimulang magdatingan sa naturang lugar simula pa nitong Lunes Santo.

Aniya, dinarayo ng mga deboto ang misa na pinangangasiwaan ng kilalang healing priest na si Joey Faller.

Dinarayo rin dito ang mga imaheng tulad ng Pieta, Noah’s Arch, The Last Supper at Station of the Cross, na pawang life-sized.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Samantala, milyong deboto rin ang dadagsa ngayong Biyernes sa Quiapo Church sa Maynila para magnilay at magpasan ng krus ng Poong Nazareno. (Jun Fabon)