Itinalaga si Department of Labor and Employment (DoLE) Secretary Rosalinda Baldoz bilang pinuno ng United Nations (UN) High Level Commission on Health, Employment and Economic Growth na inatasang bumalangkas ng 2030 Social Development Agenda.

Kabilang si Baldoz sa mga chairman ng 25-man UN commission kasama nina French President Francois Hollande, at South African President Jacob Zuma.

Samantala, napili rin si Dr. Margaret Chan, director general ng World Health Organization (WHO), bilang co-vice chairperson ng UN commission kasama sina Angel Gurria, secretary general ng Organization of Economic Cooperation and Development; at Guy Ryder, director general ng International Labor Organization (ILO).

Ikinagalak naman ni Baldoz ang pagkakatalaga sa kanya, sinabing ito ay napakagandang pagkakataon upang maibahagi niya ang malawak na kaalaman at karanasan upang matulungan ang UN sa pagtugon sa mga isyu ng trabaho at kalusugan sa susunod na 15 taon. (Samuel P. Medenilla)

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo