JOHN, MARICEL AT BILLY copy

NAKAKATUWANG makita na muling magkasama sina Maricel Soriano at Billy Crawford sa isa sa campaign sorties ni Mar Roxas sa Bulacan kamakailan.

Maaalalang unang nagkasama sina Marya at Billy noong 2013 nang gawin nila ang Momzillas kasama sina Eugene Domingo at Andi Eigenmann. Mag-ina ang papel na ginampanan nina Maricel at Billy sa nasabing pelikula na pinamahalaan ng yumaong si Direk Wenn Deramas.

Kapwa naging emosyonal sina Maricel at Billy sa hindi inaasahang pagpanaw ni Direk Wenn dahil dalawa sila sa pinakapaboritong mga artista ng blockbuster director.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Para siyang angel kasi siya ang laging nagpapaalala sa akin na ‘let God’ tuwing may mga problema akong hinaharap sa buhay,” sabi ng Diamond Star.

“Totoong tao si Direk Wenn at napakabait niyang kaibigan. Siya ang dahilan kung bakit nakatrabaho ko si Inay Marya at madami pang mahuhusay na artista. Talagang malaki siyang kawalan sa industriya,” susog ni Billy.

Naging close sina Maricel at Billy dahil sa proyekto nilang idinirihe ni Direk Wenn at makikita ang closeness na iyon kapag magkasama sila sa stage. Kaya aliw na aliw ang mga tao sa kulitan nila sa entablado habang ikinakampanya nila si Mar Roxas.

“Para talaga kaming mag-ina. Makulit na bata itong si Billy at sobrang palabiro. At proud na proud ako sa kanya dahil super successful ang kanyang career. Very hard working kasi ito,” sabi ni Maricel.

“Ako naman, madami akong natutunan kay Inay Mary. Ang husay ng comedic timing niya. Paano ba naman, lumaki siya kasama si Mang Dolphy na isang inirerepsetong institusyon ng mga batang artista na katulad ko. Ibang klase ang professionalism at dedication ni Inay sa kanyang craft bilang aktres. Proud son ako ng nag-iisang Diamond Star,” buong pagmamalaking sabi ni Billy. (Chuck Gomez)