XIAN AT KIM copy

INABOT pala ng isang taon at kalahati bago tuluyang nakapag-move on si Kim Chiu nang maghiwalay sila ni Gerald Anderson.

Ito ang ipinagtapat ni Kim sa panayam sa kanya sa Tonight With Boy Abunda nitong nakaraang Lunes.

Bagamat diretsahan ang tanong ni Kuya Boy kung paano nalaman ni Kim na naka-get over na siya kay Gerald, inunahan naman siya ng King of Talk na irerespeto nito ang Chinita Princess kung hindi niya iyon sasagutin.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Ay, grabe naman ‘yan, Tito Boy, after… after one and a half year, yes,” sabi ni Kim. “Ano, siguro self-worth, self-respect, at ‘yung mga taong nakapaligid sa akin at ‘yung mga sinasabi nila at si Xian (Lim), at dumating siya,” masayang sabi ni Kim.

Mukha ngang tuluyan nang binura ni Kim sa puso niya si Gerald dahil natatawa na lang siya habang nagkukuwento tungkol sa nakaraang nangyari sa kanila.

Tinanong din ni Kuya Boy si Kim kung ano ang naging kasalaman ng best friend niyang si Maja Salvador nang makipagrelasyon ito kay Gerald.

“Ay, grabe naman ‘yung kasalanan, ang bigat naman nu’n, hindi naman ako Diyos, Tito Boy. Wala namang kasalanan.

Walang may kasalanan, wala talaga, it’s just the circumstances,” natatawang sabi ni Kim.

Nagalit nga ba si Kim kay Maja noong mga panahong iyon?

“Siguro tampo, hindi galit, kasi malalim ang galit. Hindi po kami nag-usap no’n, ako ‘yung taong hindi nagko-confront saka inilihim ko lang na, ‘ay, bukas okay na kami’. Ayokong makipag-confront, Tito Boy, isang Hail Mary lang, tapos na.”

Samantala, ipagdiriwang ni Kim ang kanyang 10th year anniversary sa showbiz sa pamamagitan ng concert sa Abril 9 sa Kia Theater na may titulong The Fantasy Concert. Marami ang nagtataas ng kilay dahil ano raw ang karapatan ng Chinita Princess na mag-show.

Kaya tinanong din siya ni Kuya Boy ano ang masasabi niya sa mga nanghuhusga sa kanya.

“Okay lang, ano siguro… normal naman sa isang tao na may masabi sa ‘yo, it’s up to you kung magpapaapekto ka o hindi, isang Hail Mary lang ‘yun, ha-ha-ha,” masayang katwiran ng aktres.

Naitanong din ang tungkol sa ilong niyang ipinaretoke raw niya.

“Oo nga, Tito Boy, nag-Instagram na lang ako, inilabas ko ang X-ray ng ilong ko, kasi nabangga ako noon.”

At kung ano ang karapatan niyang mag-concert?

“Pagbigyan n’yo na ako, 10 years ko naman, eh, ha-ha-ha,” sabay ang nakakahawang tawa ng dalaga.

Binanggit din ng aktres na siya raw ang bumuo ng concept ng concert at kung ano ang mga kakantahin niya, at gusto raw talaga niyang maging princess kaya The Fantasy Concert ang titulo. (REGGEE BONOAN)