KARLA copy

SA April 30 itatanghal ang first big concert ni Karla Estrada sa Kia Theater na nagsisilbing pagbabalik niya sa kanyang singing career at marami ang tumatawag para magpa-reserve ng tiket.

Tuwang-tuwang si Karla dahil hindi raw niya akalain na marami pa rin ang nakahandang sumuporta sa kanya.

“Siyempre, halos karamihan d’yan, eh, mga fans ng anak kong si DJ (Daniel Padilla) at sa KathNiel,” napatawang sabi ni Karla.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Ipinagmamalaki niya na hindi siya tumigil sa pagkanta. Kahit nasa bahay lang, tuluy-tuloy pa rin daw ang pagkanta niya.

Tiniyak ni Karla na susuportahan siya ng mga anak niya sa concert niyang ito, at siyempre, pati si Kathryn Bernardo.

Kamusta naman ang samahan ngayon nina Daniel at Kathryn?

“Well, kung itatanong n’yo sa akin kung ano ang estado ng relasyon ng dalawa, eh, kagaya ng lagi kong sinasabi, ayokong pangunahan ang dalawang ‘yan. Lalo na ang anak ko, eh, lalaki ‘yun at siyempre kailangan sa kanya manggagaling,” seryosong lahad ng ina ni DJ.

Nakikita naman daw niya na maayos ang takbo ng samahan ng dalawa.

“Maganda naman ang samahan nila, nakikita kong nagtutulungan sila pataas. Hindi naman sila matatawag na negang love team. Kaya masaya ako sa puntong ‘yun. Huwag na silang sumabay sa pausu-uso ng iba riyan,” sey pa ni Karla at idinugtong na ngayong 21 years old na si Daniel, unti-unti na itong nagiging responsible. (JIMI ESCALA)