Sinimulan na ng House Committee on Games and Amusements ang pagsisiyasat sa mga charity program at operasyon ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio F. Barzaga Jr., committee chairman, inimbitahan nila ang mga opisyal ng PCSO upang magpaliwanag sa kalagayan ng mga programang-pangkawanggawa at iba pang isyu na may kinalaman sa pangangasiwa ng ahensiya.

Sinabi ni Rubin Magno, pinuno ng PCSO Charity Assistance Department, sa komite na ang tungkulin ng tanggapan ay iproseso lamang ang mga kahilingan o pakiusap para sa tulong-pinansiyal ng mga tao. Wala aniyang official information na ipinadadala sa mga local government unit (LGU) at sa komite tungkol sa mga programang ito.

Gayunman, kinontra ito ni Rep. Roy M. Loyola (5th District, Cavite), na sinabing dalawang barangay chairman mula sa kanyang distrito ang nagsabi sa kanya na isang taga-PCSO ang nagpunta sa kanilang tanggapan at sinabihan sila tungkol sa charity program. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji