Alden Maine Jake GGMY copy

OVERWHELMED si Jake Ejercito nang unang tumuntong sa Broadway studio ng Eat Bulaga nitong Saturday, March 19. ‘Yung dalawang beses niyang guesting sa kalyeserye, parehong sa barangay siya pumunta. At ang ikinakaba pa ni Jake, sasayaw siya sa studio, dahil part ng promo ng kanilang Lenten Special na mapapanood na ngayong Holy Wednesday, 12:00 nn, ang straight drama special titled God Gave Me You (GGMY) na pinamahalaan ni Direk Joyce Bernal.

Nanibago ba siya sa first acting piece niya?

“Hindi ko pa napapanood, kaya hanggang ngayon kinakabahan ako,” sagot ni Jake. “Challenge sa akin iyong one day workshop with Direk Gina Alajar bago ako nag-taping. First time umarte, talagang hindi ko alam ang gagawin, parang hindi ako para rito, alam ko frustrated din si Direk Gina sa akin, but she was very patient, mabait siya at tinulungan niya ako.”

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Gaganap si Jake bilang si Captain Matthew Montecillo, best friends sila ni First Officer James Esteban played by Alden Richards. Si James ang nagkumbinsi sa kanyang maging piloto dahil may takot siya sa heights. Girlfriend naman sa simula ni Matthew ang flight stewardess na si Daniella “Dani” Tayao, played by Maine Mendoza, at mahal na mahal nila ang isa’t isa. Hindi na ikinuwento nang buo ni Jake ang story para hindi ma-preempt ang mga manonood na ngayon pa lamang ay marami nang naghihintay. 

Kumusta namang katrabaho si Alden at si Maine?

“Una kong na-meet si Alden sa taping na namin ng GGMY bago ko siya nakasama sa kalyeserye, sa bahay ni Ms. Caithlyn (Allan K). Mabait si Alden, inalalayan niya ako sa mga eksena namin, kaya naging comfortable ako agad na katrabaho siya. Bilib ako sa sipag niya, nakikita mo nang pagod siya pero hindi siya nagrereklamo, work lang siya nang work.

 

Nauna pa nga akong na-pack-up noon, naiwanan ko pa sila ni Maine.

“Si Maine, nakatrabaho ko na nga muna sa kalyeserye bago ang taping namin ng GGMY. Pero with Maine, mas mahirap ang mga eksena ko kasi, drama, kay Alden, light lang kasi nga best friends kami. Si Maine, very humble, quiet lang. Sa kanilang dalawa ni Alden, si Alden ang mas outgoing, kaya thankful ako sa pag-alalay nila sa akin sa mga eksena namin.”

Natawa si Jake nang tanungin kong may ‘something’ ba kina Alden at Maine, “puwede” ang sagot niya. Paano kung sa kanya mag-fall in love si Maine?

“Hindi naman. Hindi pa rin kasi kami masyadong nagkakaausap na tatlo, dahil silang dalawa laging ngarag sa mga ginagawa nila.”

So tuluyan na ba niyang pasukin ang showbiz?

“Alam naman ninyong may dugo akong showbiz dahil both may parents ay mga artista noong araw. At nagkagusto rin ako noong araw na sundan ang footsteps nila pero nawala rin iyon, lalo na nang mag-aral na ako sa London. Natuwa naman ako sa magandang feedback sa akin sa pagpasok sa kalyeserye, very nice din ng mga kasama ko sa show. Pero may one year pa ako para tapusin ang studies ko sa Singapore, promise ko iyon sa Daddy ko na tatapusin ko ang studies ko.

Umuwi lang ako dahil may two weeks vacation ako from school pero babalik din ako roon. Wala pa, hindi ko pa alam ang next move ko, basta gusto ko munang matapos ang studies ko.” (NORA CALDERON)