Naging matagumpay ang pagbubukas ng ika-39 na pagdaraos ng San Juan Mayor’s Cup nitong Linggo sa Filoil Flying V Arena sa San Juan.
Dumalo sa opening ceremony ang ilang manlalaro ng PBA sa pangunguna nina June Mar Fajardo at Alex Cabagnot ng San Miguel Beer, Mark Barroca at Allein Maliksi ng Purefoods Star, Stanley Pringle at Terrence Romeo ng Globalport, Rome de la Rosa ng Alaska, Baser Amer ng Meralco, at Jonas Villanueva at Kevin Alas ng North Luzon Expressway.
Nakisaya rin sa seremonya ang mga dating manlalaro ng PBA tulad nina Noli Locsin at Eddie Laure, kasama ang superstars ng volleyball tulad nina Rachel Anne Daquis ng Philippine Army-RC Cola, Jen Reyes, Bang Pineda, Cess Molina at Aiza Maizo-Pontillas ng Petron, Ella de Jesus at Jem Ferrer ng Ateneo, Sasa Devanadera, Angela Benting at Suzanne Roces ng PLDT Home Ultera at EJ Laure ng UST.
Nanguna sina San Juan Mayor Guia Gomez at Senador JV Ejercito sa payak, ngunit makulay na programa, habang napili bilang Best Muse ang aktres na si Bettina Carlos ng Barangay San Perfecto.
Nagsimula ang Mayor’s Cup noong dekada ’70 sa ilalim ng dating alkalde ng San Juan na si Joseph Estrada.
Sa ngayon ang NGO na San Juan Sports Association (SAJUSA) ang nangangasiwa ng Mayor’s Cup sa ilalim ng hurisdiksyon ni CouncilorLeonardo Celles.
Bukod sa basketball, sumabak din sa Inter-barangay tournament ang kabataan sa volleyball.