KRIS copy

MEDYO malungkot ang isa sa last post ni Kris Aquino sa Instagram bago sila lumipad ng mga anak na sina Josh at Bimby para sa tinatawag ni Kris na wellness vacation.

Sabi ni Kris: “Mixed emotions now -- looking forward to my wellness break & devoting 100 % to mothering my 2, but there is fear in coming home & not having a TV program on air after 20 straight years.

“So let me end this post with the SERENITY PRAYER: “God grant me the SERENITY TO ACCEPT the things I cannot change, COURAGE TO CHANGE the things I can, and the WISDOM TO KNOW the difference.”

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Pero kung makikinig si Kris sa kanyang fans, wala siyang dapat ipag-alala at ikatakot dahil maghihintay sila sa kanyang pagbabalik at maghihintay sa susunod na TV show na ibibigay ng ABS-CBN sa kanya.

Malaki rin ang tiwala ng fans ni Kris na muli siyang papipirmahin ng kontrata ng Kapamilya Network kapag nag-expire na ang kontrata niya sa March 23. Tiwala silang hindi pakakawalan ng ABS-CBN si Kris.

May nag-suggest na cooking show ang gawin ni Kris dahil bukod sa nagluluto siya, hindi siya mapapagod lalo kung once a week lang at sa studio lang ang taping. Ang isa pang suggestion ay ibalik ang Deal or No Deal na sa studio lang ginagawa para hindi siya masyadong napapagod.

Anyway, ang last post ni Kris na nabasa namin ay “Bye everybody... I’ll give you a weekly wellness progress update.”

(NITZ MIRALLES)