CLAUDINE AT SANTINO_please crop copy

SANA nga makatulong ang paliwanag ni Claudine Barretto kung bakit niya isinama ang anak na si Santino sa puntod ni Rico Yan noong nakaraang birthday ng ex-boyfriend niya.

Na-bash ang aktres sa ginawa niya at may nagsabi pang hindi niya inirespeto si Raymart Santiago, ang ama ng bagets.

Ito ang paliwanag sa isyu na ipinost ni Claudine sa Instagram: “Sa mga palanggas ko explain ko lang po. Wala pong pasok si Santino noong Feb 23 at sumasama lagi si Santino sa tapings ko. Ito pong pagdalaw ko kay Rico was the day I was taping for Bakit Manipis Ang Ulap at sa Manila Memorial po taping ko at si Santino was with me, of course my kids know who Rico was. I also mentioned this taping sa Manila Memorial at pagdalaw namin ni Saint kay Raymart. OK at wala hong problema sa Papa ni Saint. Three days before RY’s birthday I wento to visit RY again so ‘yun po thanks & God bless.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Para mas may impact ang kanyang paliwanag, ang ginamit na picture ni Claudine ay magkasama sila ni Santino sa harap ng puntod ni Rico with some friends.

May mga nagsasabing walang dapat ipaliwanag si Claudine dahil desisyon niya ‘yun, pero mabuti na rin na malinawan ang mga nag-react.

Anyway, wala pa ring kumpirmasyon mula sa TV5 at Viva Communications kung totoo ang balitang ititigil na sa pag-ere ang Bakit Manipis Ang Ulap. Ang narinig namin, hanggang end ng April na lang mapapanood ang drama series.

(NITZ MIRALLES)