IBAAN, Batangas - Sugatan ang isang umano’y suspek sa pagnanakaw ng mga panabong na manok makaraang makipagbarilan sa mga pulis sa Ibaan, Batangas.

Tinamaan ng bala ng baril sa leeg si Loyocoh Ulok, tubong Samar, at nakatira sa Marikina City, habang naaresto naman ang mga kasamahan niyang suspek na sina Ronald Rivera, 45; Gear Morino; at Arvin Castillo.

Ayon sa report ni PO1 Elbert Tañamor, dakong 2:45 ng umaga nang pinasok ng mga suspek ang farm ni Jimmy Junsay sa Barangay Sto. Niño sa Ibaan.

Pinaputukan umano ng mga suspek ang caretaker ng farm subalit hindi ito tinamaan, bago nila tinangay ang 14 na panabong na manok sa farm.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa follow-up operations, nakasagupa ng mga pulis ang mga suspek sa Bgy. Calamias, Ibaan, at nabawi sa mga ito ang isang Toyota Revo (XJF-284), mga bayong na may lamang mga panabong, isang granada, mga cell phone, tatlong sachet ng hinihinalang shabu, mga baril at bala. (Lyka Manalo)