STOCKHOLM (AP) – Humingi ng tulong ang Sweden sa European Union upang mapigilan ang invasion ng American lobsters, na ayon dito ay maaaring ubusin ang European lobster dahil sa dalang nakamamatay na sakit.

Sinabi ng Swedish Environment Ministry nitong Biyernes na mahigit 30 American lobster ang natagpuan sa west coast ng Sweden nitong nakalipas na mga taon.

Ayon dito, ang American lobster o Maine lobster, “can carry diseases and parasites that could spread to the European lobster and result in extremely high mortality.”

Binanggit din na ang interbreeding ng crustaceans ay maaaring magkaroon ng “negative genetic effects” at mapanganib sa survival ng European species.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina