OLONGAPO CITY – Isang 60-anyos na negosyante ang natagpuang patay sa loob ng kanyang SUV sa Barangay East Bajac Bajac nitong Miyerkules.

Pinatay si Pedro Bautista Ico, residente ng Bgy. East Tapinac, sa loob ng kanyang Toyota Avanza matapos pagsasaksakin ng 24 na beses.

Ayon sa police report, natagpuan ang SUV ng biktima sa harap ng garahe ni East Bajac Bajac Councilor Edison Cano nitong Miyerkules ng gabi.

Nauna rito, inutusan umano si Ico ng kanyang tiyuhin na mag-withdraw ng malaking halaga sa isang ATM dakong 5:30 ng umaga, ngunit hindi na siya nakauwi.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Sa kuha ng CCTV sa mall na roon nag-withdraw si Ico, nakitang sinusundan siya ng isang dating empleyado ng kanyang tiyuhin, na tinutugis na ngayon. (Jonas Reyes)