Pasado at tumanggap ng mataas na rating mula sa FIBA team ang mga venue na gagamitin sa FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) sa Hulyo.
Ayon kay Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) deputy director for international affairs Butch Antonio, positibo ang pagtanggap ng FIBA inspection team sa venue, hotel, at transportation system na inilatag ng organisasyon para sa prestihiyosong torneo.
Pinangunahan nina Fiba sports and competitions director Predrag Bogosavlej at Fiba-Asia secretary general Hagop Khajirian ang delegasyon ng international body na nagsagawa ng inspection sa Manila kamakailan.
Isa ang Manila sa tatlong bansa na tatayong host sa wildcard basketball qualifiers para sa Rio Games sa Hulyo 5-10 sa Mall of Asia Arena.
“There were positive recommendations and their comments on our preparation was good. There weren’t too many deficiencies kumbaga on our part. It was very good,” sambit ni Antonio.
Ayon kay Antonio, bahagi rin sa seguridad ng mga atleta at delegado ang paglalagay sa kanila sa hotel na malapit lamang sa venue.
“What we tried to do at SBP is we are going to concentrate the activities and logistics all within the complex around the Mall of Asia Arena. At least, if there are things we can’t control, maminimize ‘yung aberya,” aniya.
Kasado na rin umano ang seguridad para sa mga star player tulad nina NBA guard Tony Parker ng France.
“Once you bid, you have to come up with a security plan. We are in close coordination with the PNP, MMDA, and the local government. Alam natin ‘yung importance ng security and it is part and parcel of our preparation,” pahayag ni Antonio.
Kabilang ang Gilas Philippines sa Goup B qualifiers kasama ang France at New Zealand, habang nasa Group A ang Turkey, Senegal, at Canada.