Robert Arevalo copy

BUNSOD ng magkasunod na pagpanaw nina Direk Wenn Deramas at Direk Francis Xavier Pasion, lumalawak ang panawagan sa entertainment industry na tigilan na ang hindi makataong trabaho sa produksiyon.

Parehong heart attack ang ikinamatay nina Direk Wenn at Direk Francis, karamdamang iniuugnay sa sobrang stress, pagod, puyat, at iba pa.

Simula last Thursday, naging viral ang post na ito sa Facebook ni Anna Ylagan, anak ni Robert Arevalo na kasama ngayon sa cast ng The Millionaire’s Wife na pinagbibidahan ni Andrea Torres (siya ang gumaganap na milyonaryo):

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

“My dad will be angry with me for posting this but he left for taping of his TV series yesterday at 5 A.M.

“He came home at 9:30 A.M. today. Tell me, is that a decent & respectful way to treat a 78-year-old veteran actor?

“Is it now a liability that my dad loves his craft that’s why he’s putting up with such practices?#?

StopInhumanWorkingHours.”

Agad din namang nagpadala ng statement ang executive na naturang TV series.

“Humingi na po kami ng paumanhin kay Mr. Robert Arevalo sa nangyaring insidente na late pack-up noong March 9.

Marami lang pong eksena na kinailangang tapusin noong araw na iyon at baka matagalan pa bago makabalik sa location na 2 hours away from Manila.

“Ngayon po ay inaayos na ng produksiyon ang lahat para hindi na maulit ang pangyayaring iyon.” --Anthony Pastorpide, Program Manager of The Millionaire’s Wife

March 12, ito ang panibagong post ni Anna hinggil sa bagay na ito: 

“Thank you GMA7 for the apology and hopefully heeding our call for changes. It would be very sweet if all networks follow suit. Really appreciate this. I sincerely hope this starts the CHANGE we want in the industry that we love. ‪

#‎GMA‬ ‪#‎GMA7‬ ‪#‎MayPusoAngKapuso‬ ‪#‎TheMillionairesWife‬‪ #‎mukhangmaypagasaangindustriya‬ ‪#‎SanaHindiHanggangUmpisaLang‬.”

Gifted at dedicated ang entertainment industry workers, na kailangan ding proteksiyunan upang patuloy na maging productive. Ngayon pa lang lumilitaw ang katotohanan na hindi madaling trabaho ang paghahatid ng aliw sa ating mga kababayan. Sana nga ay seryosohin ng entertainment industry, lalo na ng TV networks, ang hinihinging pagbabago.

(DINO M. BALARES)