Isa sa apat na dahilan ng pagkamatay sa buong mundo ay dahil sa environmental factors gaya ng polusyon sa hangin, tubig at lupa, gayundin sa mga hindi ligtas na daan at stress sa trabaho, sinabi ng World Health Organization (WHO) kahapon.

Tinatayang 12.6 milyong katao ang namatay noong 2012 resulta ng pamumuhay at pagtatrabaho sa mga hindi malulusog na kapaligiran, 23 porsiyento ng lahat ng pagkamatay na iniulat sa buong mundo, ayon sa bagong pag-aaral.

“If countries do not take actions to make environments where people live and work healthy, millions will continue to become ill and die too young,” babala ni WHO chief Margaret Chan sa isang pahayag.

Batay sa ulat, ang kapaligiran ay iniugnay sa mahabang linya ng environmental risk factors gaya ng polusyon, chemical exposure, climate change at ultraviolet radiation, gayundin ang access sa mga baril at mahigit 100 sakit at pinsala.

National

Shear line, easterlies patuloy na nakaaapekto sa malaking bahagi ng PH

Umaabot sa 8.2 milyon ng mga pagkamatay ay maisisisi sa polusyon sa hangin, kabilang na ang exposure sa second-hand smoke, na responsable sa sakit sa puso, mga cancer at chronic respiratory disease, nakasaad sa ulat.

Sa mga pagkamatay na iniugnay sa environmental factors, 1.7 milyon ay dulot ng “unintentional injuries”, kabilang na ang mga aksidente sa daan.

Binilang din ng ulat ang 846,000 pagkamatay dahil sa sakit na diarrhea na kabilang sa environmental mortalities, idinagdag na marami ang iniugnay sa polusyon at hindi ligtas na inuming tubig.

Iniulat ng WHO na 246,000 pagkamatay ay bunga ng intentional injuries, kabilang na ang mga pagpapakamatay na iniugnay sa hindi ligtas na pagtatago at pag-abot sa mga baril, gayundin ng pestisidyo – na ginagamit sa sangkatlo ng pagpapakamatay sa mundo – na kabilang sa iba pang factors.

Natuklasan sa ulat na karamihan ng mga pagpakamatay na may kaugnayan sa kapaligiran ay nangyayari sa Southeast Asia, na nagtala ng 3.8 milyon ng mga pagkamatay na ito noong 2012, sinusundan ng Western Pacific region na mayroong 3.5 million.

Ang hindi gaanong apektadong rehiyon ay ang America, na mayroong 847,000 pagkamatay na isinisisi sa kondisyon ng kapaligiran.

Ang Europe ay mayroong 1.4 milyong pagkamatay na may kaugnayan sa kapaligiran habang ang Africa ay nag-ulat ng 2.2 milyon.

Sinabi ng WHO na ang mas mabuting pamamahala sa kapaligiran ay maaaring makapigil sa pagkamatay ng 1.7 milyong bata na wala pang limang taon, na mas mahina sa mga seryosong sakit na nakukuha sa respiratory infections at diarrhea.

“There’s an urgent need for investment in strategies to reduce environmental risks in our cities, homes and workplaces,” sinabi ni Maria Neira, public health chief ng WHO. (Agence France-Presse)