pacman copy

Kabilang ang sports sa nasasadlak sa dusa bunsod nang kakulangan sa kongkretong programa, ayon kay businessman-sportsman Mikee Romero ng 1-Pacman Partylist.

Aniya, ang matagal nang problema tulad ng kakulangan sa pondo, kapos sa kasanayan na mga atleta, lumang kagamitan at pasilidad, gayundin ang kawalan nang tunay na grassroots sports ay mareresolba sa pamamagitan ng pagbuo ng Department of Sports (DOS).

“Establish a Department of Sports and we can address all the problems that beset Philippine sports a long time ago,” pahayag ni Romero, team owner ng Globalport Batang Pier sa PBA.

Kahayupan (Pets)

May sakit na, inabandona pa ng pamilya? Fur mom, umapela para sa rescued cats

Ayon kay Romero, personal niyang nasaksihan ang kakulangan ng atletang Pinoy na makaagapay sa world-class na karibal matapos niyang pamunuan ang Philippine Shooting Association at maging bahagi ng delegasyon ng bansa sa 2012 London Olympics.

“That should have been a wake-up call but our officials did nothing to improve the plight of our athletes,” hinaing ni Romero. “There are no results-oriented sports program that’s why we are lagging behind big time. Even Vietnam and Singapore athletes are now more superior over our athletes.”

“The transfer of technical knowledge to our athletes and coaches is rather slow. The coaches can’t seem to find promising athletes in the provinces,” pahayag ni Romero.

Iginiit ni Romero na ito ang kanyang prayoridad at pagpupursigihan kung mabibigyan ng pagkakataon ang 1Pacman Party-list na makasampa sa Kongreso sa gaganaping halalan sa Mayo 9.

“It saddens me to see Filipino athletes suffer embarrassing setbacks from their better prepared rivals so it’s high time to have permanent solutions to what ails Philippine sports,” pahayag ni Romero, pinakabatang miyembro sa 50 richest Pinoy na inilabas ng Forbes magazine.

“I’m puzzled why, on record, we have only 9 Olympic medals since joining the games in 1924. Nine medals in 89 years. Imagine, one medal for every 10 years?”

Napapanahon na rin, ayon kay Romero na mailapit ang Philippine Olympic Committee (POC) at mga miyembrong National Sports Association (NSA) sa business community upang makakuha ng sapat na suporta para sa pagsasanay ng mga atleta hindi lamang sa panahon nang pagsabak sa international competition, bagkus sa pamamaraang ‘long term’.

Hindi estranghero si Romero sa mundo ng sports. Bago maging pangulo ng shooting at cycling association, naging ‘Godfather’ siya ng Philippine basketball team at team manager ng La Salle women’s volleyball team.

Hindi lang sa sports nakatuon ang pansin ni Romero kundi sa pagkakaloob nang livelihood at pabahay para sa mahihirap na mamamayan na matagal na ring isinasakatuparan ng kanyang grupo sa lalawigan ng Subanes Zamboanga del Sur at Aeta community sa Zambales.