Bugbog-sarado ang isang 29-anyos na lalaki matapos siyang matiyempuhan sa paghahanap sa isang motorsiklo gamit ang susi na kanyang ninakaw sa Pasay City, nitong Sabado ng gabi.

Halos hindi na makilala ang suspek, na nakilalang si Ruel Villanueva, walang trabaho, ng 147 M. Santos Street, Pasay City, nang dalhin siya ng mga tanod sa Pasay City Police Station Investigation and Detective Management upang sumailalim sa imbestigasyon.

Sinabi ni Senior Supt. Wilfredo Sangel, dakong 11:40 ng gabi nitong Sabado nang maaktuhan ni Rechell Coro, security guard, si Villanueva habang iniisa-isa ang tangkang pagpapaandar sa mga motorsiklo sa parking area ng Pasay City General Hospital gamit ang ninakaw niyang susi.

Nasa aktong pinaaandar ni Villanueva ang isang Yamaha Mio 125 (3576) nang komprontahin siya ni Coro dahil batid ng huli na ang nasabing motorsiklo ay pag-aari ng nurse na si Mary Grace Gonzales.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Habang hinahanap si Gonzales, kumaripas si Villanueva sakay ng ninakaw na motorsiklo subalit hinabol siya ng mga tambay at kinuyog.

Nahaharap ngayon sa kasong carnapping si Villanueva, ayon sa pulisya. (Martin A. Sadongdong)