Ni JIMI ESCALA

MARIING itinanggi ni Renzo Cruz ang napabalitang inalis siya bilang isa sa mga staff ng presidential candidate na si Sen. Grace Poe.

Ayon sa dating actor, nananatili siyang staff ng senadora pero hindi nga lang sumasama sa mga lakad nito sa pangangampanya.

Binanggit ni Renzo na magtatatlong taon na siya bilang staff ni Sen. Grace Poe at walong taon ding naging staff ni Sen. Jinggoy Estrada.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kaya regular Senate employee na raw ang kapatid ni Sheryl Cruz at wala raw namang isyu tungkol sa kanilang dalawa ng pinsang si Sen. Poe.

Iniiwasan niyang magkomento tungkol sa hidwaan nina Sheryl at Sen. Grace.

“Bahala na sila sa bagay na ‘yan. Basta walang problema sa amin ni Sen. Grace at hindi rin naman namin pinag-uusapan ‘yun ng kapatid kong si Sheryl,” sey niya.

Kinamusta namin kay Renzo ang mommy niyang si Rosemarie Sonora at ang kapatid niyang si Patrick. Masayang-masaya rin daw ngayon si Partick sa buhay may-asawa nito pero pagdating sa kanilang ina ay hindi pa raw napapanahon na pag-uusapan namin ang bagay na ito.

“Huwag muna nating pag-usapan ngayon ‘yun. Basta one of these days, eh, mag-uusap ulit tayo. Basta masaya kami,” sey pa rin ni Renzo na nagbabalak bumalik sa showbiz.