Isang linggo matapos dumaong ang command ship ng United States Seventh Fleet sa Manila Bay, dalawa pang barko ng US Navy – isang submarine at isang guided missile cruiser – ang dumating sa Pilipinas ngayong linggo na bahagi rin ng routine visit nito, ayon sa US Embassy in Manila.

Unang naglayag patungo sa teritoryo ng Pilipinas at dumaong sa Subic Bay ang USS Charlotte (SSN-766), isang Los Angeles-class submarine at ikaapat na barko United States Navy na pinangalanang Charlotte, North Carolina.

Inilunsad noong Oktubre 3, 1992 at kinomisyon noong Setyembre 16, 1994, ang USS Charlotte ay mayroong mahigit 100 crew. Ang homeport nito ay ang Pearl Harbor sa Hawaii.

Samantala, noong Marso 8, dumating sa Manila ang Ticonderoga-class guided-missile cruiser USS Antietam (CG 54) para sa nakatakdang port visit. Ilang sa maga crew member nito ay Filipino American.

Pelikula

Pelikula nina Zanjoe, Daniel made-delay?

Habang nasa bansa, makikilahok ang crew ng Antietam sa community service events at tours, magliliwaliw sa lungsod.

(Elena L. Aben)