Baby products from Dubai (1) copy

MAGKALAYO man sa oras at lugar, connected pa rin sa isa’t isa sina Alden Richards at Maine Mendoza. 

Last Thursday, may Kapuso Pinoy Dubai show sa Al Nasr Leisureland, Dubai, UAE si Alden kasama sina Aicelle Santos at Betong Sumaya. Si Maine naman ay isa sa bumuo ng Dabarkads ng Eat Bulaga na nasa Ad Congress ng advertisers sa Subic Bay dahil ang TAPE Inc. ang sponsor nang gabing iyon. Present ang buong Dabarkads, maliban kay Alden na nasa Dubai nga.

Kaya nang magsimula ang show ng Dabarkads, na magkakasama sina Maine at in-character naman as Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tinidora (Jose Manalo) para sa kanilang kalyeserye, at si Allan K, biniro ng dalawang lola si Maine kung nasaan si Alden na, itinatanong din ng audience.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

“Nagri-rehearse po siya sa show niya, nasa Dubai po kasi siya,” sagot ni Maine. Kaya buwelta ng dalawang lola, “Wow, alam ang schedule.”

“Siyempre po, updated niya ako kung ano ang nangyayari sa kanya sa Dubai. Kaya po sa nagtatanong kung bakit hindi ko kasama si Alden, siguro po sa mga susunod na event, makakasama na natin siya.”

After ng show nila sa Subic, balik-Manila agad si Maine para ituloy ang iniwanang shoot ng isang TVC. Dahil four hours ang difference nila, saka pa lamang magsisimula ng show nila si Alden.

Anyway, congratulations kina Alden, Aicelle at Betong, dahil sa posts ng namahala sa show, ang dami nilang napasayang mga kababayan natin doon. Napuno nila ang venue at tumagal ng two hours and a half ang show na sponsored ng GMA Pinoy TV, GMA Lite TV at GMA News TV International.

Nagkaroon din sila ng presscon doon, binisita nila ang first Filipino school na United International Private School at nakita ni Alden ang adviser niya noong fourth year high school siya na doon pala nagtuturo, nag-guest din sila sa TAG91.1 radio. Na-interview uli si Alden para sa tabloid magazine ng The Gulf News na nag-intreview rin sa kanya nang una siyang pumunta sa Dubai.

Hindi malilimutan ni Alden ang kanilang meet and greet with the fans na nagkaroon ng laglagan ang tatlong performers at binigyan siya ng gifts ng fans. Hindi siya nakapagsalita at napahalakhak na lang lalo na sa 12 pieces na baby nursing bottles at iba pang nakabalot na gifts para sa kanila ni Maine.

Madaling kumalat ang picture sa social media na may caption na: “Di kami magpapaliwanag kung ano ang gusto namin. 

Pero sana gets nyo @aldenrichards02 @mainedcm.” Tinanggap naman iyon ni Alden at tiyak na isa rin sa ipasasalubong niya kay Maine kasama ang maraming gifts nila dahil nga katatapos lamang niyang mag-birthday.

Nakakatuwa na walang nang-bash sa Instagram post, pero may mga nag-comment na hayaan na muna ni Alden na maranasan ang talagang pagiging artista ni Maine dahil mga bata pa naman sila; gumawa raw muna sila ng movie at teleserye, i-enjoy muna nila ang togetherness nila.

Kahapon 2:00 PM (Philippine time) umalis si Alden at since nine hours ang flight from Dubai to the Philippines, tiyak na 11:00 na sila nakarating kagabi at ngayong tanghali, nasa show na rin sina Alden at Aicelle. May sorpresa kaya ang show kay Alden at mga fans? (NORA CALDERON)